Huling Hiling ng Isang Kawal

Mahal kong asawa, parang kelan lang maliliit pa sila

Iiyak, tatawa di titigil hanggang di kinakarga

Puyat sa pagpalit ng diaper at gatas na tinitimpla,

Gagapang, tatakbo, hahabulin kahit saan patungo.

Walang pagsidlan ang tuwa ng si panganay isilang

Akalaing  isang supling lang,

Yun pala, dalawa pa, tayo’y bibiyayaan

Aking pasasalamat kay Dakilang Lumikha, di din maikakaila kaligayahan,

Sa iyong mukha.

Hirap ko nun sa training, tiniis ko pati lungkot

Nawalay ng matagal, di makita o makausap man lang

Na miss ko lahat mga bata, ang tawag mo… maging iyong yakap

Di pala talaga madali, nalamang kong ganito, pinasok na trabaho

Mamuhay na isang sundalo.

Para sa Bayan, para sa kinabukasan

Para sa gobyerno at mga namumuno

Nang mamuhay ng tahimik, na walang karahasan

Sarap managinip, pero sabi nila libre lang naman.

Kahapon di ko pwedeng sabihin kung saan,

Sa loob ng Marawi, sa kasuluk-sulukan

Kami nila ‘ching at kasamang opisyal

Sumugod, lumaban, Walang atrasan

Bulong ko sa sarili wag muna po sana

Stay alive at mag ingat, hinay at mag focus lang.

Aking sinasamantala pagkakataong makapagpahinga

Mag-isip at mangarap, sa isang  papel ay sumulat

Para sayo ipaalam, damdamin at nasa isip

Tila Ultimo adios ko para sayo aking minamahal

Wala kasing makapagsabi kung bukas o sa makalawa

Susunod na misyong di na matapos, tila walang katapusan

Isa man samin walang nakakaalam kung makakalagpas pa sa kinabukasan

Hiling ko, iyong pagdasal, na ako’y makabalik at makauwi

Makarga, mahalikan, ang kayo ay makapiling…

Taimtim na panalangin sa poong maykapal.

Subalit kung talagang dito na lang

Mamuhay sa mundo at ginuhit na sa aking palad

Lagi mong iisipin, kahit saan man ako mapadpad

Alaala mo at ng ating mga anak, baon ko saking dibdib puso ko

At isipan.

Hearing and seeing the news these days about Marawi and the sacrifices of our soldiers inspired me to write this poem…

Leave a comment